November 14th, 2005
langyang buhay to
naramdaman mo na ba sa sobrang sakit ng nararamdaman mo hindi mo maumpisahan isulat ang tungkol sa sakit na iyon? at kung tutuusin ay ayaw mo na nga isulat dahil umaasa ka na pag hindi mo pinansin ang sakit ay kusa na lang ito aalis.
may mga araw na nakakatulong ang ganuong sistema..may mga araw na pakiramdam mo patay at manhid ka na. may mga araw na kapag sinuswerte ka, lumilipas na wala kang nararamdamang poot.
ngunit minsan nakakapagod ng magpanggap...
nakakapagod ng magpagod para makalimot...
nakakapagod ng umasa na maaaring magbago ang lahat.